THESIS... pahirap, panira ng relasyon at gagawin kang baliw!
Posted at 05:38 PM
Working and studying at the same time is very difficult. As in literally
MAHIRAP. Hindi mo alam kung papaano mo ipagkakasaya ang schedule mo sa skul at sa work. Lalo na kung sa
MAGAZINE ka nagwowork. Text lang ang ipapadala sayo para sa assignment mo, like me my boss will text me about my assignments na dapat kong ipasa ng maaga. well you have nothing to do, dapat mong gawin yun kundi wala kang sweldo. Like last FRIDAY may assignment ako to take photo of CUBAO AREA.
(nga pala ako po ay PHOTOGRAPHER sa magazine na yun at nagaaral pa po ako sa DLSU-D) eh that day meron akong DEFENSE as in
THESIS DEFENSE. At buti na lang hapon ang thesis defense ko. Imagine ang target time ko na dapat by 8:00am nasa CUBAO na ako para by lunch time on the way na ako papuntang kul. Unfortunately hindi yun nasunod. By 1:30 nasa CUBAO pa rin ako at ang oras ng thesis defense namin is 4:00pm. Sa haba ng byahe ko, imagine 2 hours ang byahe ko from
CUBAO to DASMARIÑAS, CAVITE, dun ko na sa bus ginawa ang REPORT ko. At pagdating sa school biglang type ng irerepot ko at sabay takbo sa pag-a-acetate-tan ko ng report ko.
Ang masamang balita after ng thesis defense.......
MAJOR REVISION!!!
Maswerte na kami dahil MAJOR REVISION lang ang inabot namin at hindi TOTAL REVISION. Yung ibang group as in ULIT sila ng thesis na pinagpaguran nila ng two (2) as in
TWO SEMESTERS at kami
(3) THREE DAYS!!!
So as i conclude studying and working at the sametime is a difficult job. You need to manage everything,
EVERYTHING!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sha nga po pala gusto ko lang po mag promote ng magazine... Bili po kayo ng FUDGE MAGAZINE, December issue. May mga photos po akong napublish dun particularly yung article about sa Land Transportation Office (LTO). Maganda ang magazine na yun. Counterpart po yun ng Pulp Magazine. Its like PULP meets MTV Ink. Basta bumile kayo. hehehe...